Hindi ako magaling mag-Tagalog pero try lang natin ngayon para maiba naman. Lols. Ganito talaga ako magsalita sa totoong buhay kaya hayaan nyo na ako.
Pag natatawa ako bihira ko na gamitin yung “hahaha” o “hehehe.” Para mas madali, “lols” na lang. Hindi na mashadong eport. Pag sobra naman akong natatawa, “rotfl” na lang. Ang ginagawa ko “rotfel” ang pronawnsheyshon.
Rotfel. Laughtrip no? Lols.
Ewan ko. Wala akong magawa ngayong Linggo. Hindi ko alam ang iniisip ko. Aym so kompyus. Kahit itong blog post na to, nung sinisimulan ko, wala akong idea kung anong sasabihin ko. Nablangko talaga ako! Ang hirap palang magblag. Kelangan lagi kang puno ng ideas. Kelangan lagi kang me handang istorya.
Nakakapresyur!
Iniisip nyo puro kalokohan lang ang blag na ito. At totoo naman. Lols. Pero basta! Kung alam nyo lang, nagpapakaeport ako makapaghanda at makapagsulat lang ng mga post dito sa blag ko. Haynaku. *buntonghininga*
Teka muna, bakit ba ako biglang nag-eemowt? Meron bang nangyaring malungkot sa buhay ko at naisipan kong magshare? Hindi naman ako namatayan at hindi naman ako nakipagbreyk. Ganito pa rin ako. Same same.
“Same same.” Susginoosantamarya! Baka naman yun pala ang frablem! Why oh why? Dis is so prastreyting! Simula nung magblag ako, pakiramdam ko something will change. At oo, may mga pagbabago. Marami akong nakilala at maraming medyo nakikilala ako sa pamamagitan ng blag. Masaya ako sa masaya… pero, ngunit, datapwat, subalit… bakit kulang?
Hindi mo nagegets ano? Ewan! Kahit ako di ko magets-gets. Ano bang foynt ko? Sabihin ko na kasi e. Pero pano yun, e di ko talaga alam e! Huhuhu! Aym so kompyus.
What I’m trying to say ay hindi ko alam ang naiisip ko ngayon sa panahong ito, sa oras na ito, at sa natatanging sandaling ito sa napakaliit na espasyong ito ng yunibers, wala naman talagang pumapasok sa isip ko. Pero iniisip nyo e siguro e may foynt, pero habang binabasa nyo e wala naman talaga, pero nagsesekantots kayo: “teka, hindi naman siguro fwedeng magblagpost eto nang walang sinasabi, malamang meron, hindi ko lang magets.”
Pero ang twist wala talaga. Ampf! Rotfel!
Nababaliw na ata ako. Lols. Wateva. Ah basta! Gusto ko lang magsalita ng magsalita. Ker ko ba kung maguluhan kayo? Habang nagtitipa ako dito sa kibord ay lumilitaw ang mga tots na natatago, o di kaya’y kinikimkim ng aking utak, o damdamin, o sabihin na natin, o aaminin ko na, ng aking “heart,” ng aking fuso. Oo naman, may puso rin ako, my prens. Hindi ko lang lagi nilalabas, pagkat masakit. (At baka mamatay ako. Lols, shempre di naman fwedeng basta basta mo na lang operahan ang sarili mo at ilabas ang heart mo, di ba? Lols.)
Kagabi, napanaginipan ko si Rico Yan. Lols. Ang random no? E hindi ko nga napanood ang Got 2 Believe nila ni Claudine. Basta hindi ako pans. Sa panaginip ko sabi nya sa akin, “buhay ako.” Yun lang, tapos, ang istorya. Kinwento ko raw sa lahat ng mga kamag-anak ko at mga prens ko na “buhay si Rico Yan.” E wala raw maniwala sa akin. Ang hirap pala nang sitwashong ganon, no? Walang naniniwala sa yo na buhay si Rico Yan.
Ang ginawa ko raw, naglakad ako sa gitna ng kalsada at me hawak daw akong loudspeaker. Sinisigaw ko raw na “Buhay si Rico Yan!” Pinagtawanan lang daw ako ng madla. Pero ako sige lang.
Haynaku. Pagkagising ko, ang sakit sa divdiv. Patay na nga pala si Rico Yan. At matagal na palang nagdisband ang Eraserheads. At may-asawa na nga pala si Princess Sarah, at FHM gerl na ang kasabayan nyang si Angelica. Lalong mas matagal nang wala sina Romnick at Sheryl. At ilang dekada na rin palang wala ang Voltes V at ang Batibot. Wala na ang mga bagay na dating nakakapagpasaya sa akin. Lols. Hindi naman talaga ako pans nang mga yan. Nabanggit ko lang. Ewan ko ba. Bakit ba ang daling lumipas ng panahon?
Lagi akong nauunahan. Huhuhu! Napag-iiwanan na ata ako ng panahong ito, at habang nakikipaghabulan ako sa bawat sandali ng buhay at sa bawat patak ng buhangin sa hawrglas, e teka lang, kumakain ata ako ng alikavok.
Ansaya minsan magreminis, ano? Masaya na malungkot din.
Tingin ko ngayon sa riswats ko e 4:19 na raw ang oras. *buntonghininga* Parang kelan lang, e pag ganitong mga oras e eksayted na ako at nakatutok na sa tibi, at sabay sabay kaming sisigaw ng mga kapatid ko: “4:30 na! Ang TV na!”
Esmyuski!








UNA!!! hehehe XD
ambilis talaga lumipas ng panahon T.T
(ngayon ko lang naisip sa sarili ko na tumatanda na ako… huhuhu)
hi higgs! (ang haba kasi ng evilgenius e!)
loko to ah. pinagtatawanan mo ba ako? tumigil ka nga e mag-e-18 ka pa lang di ba!
leche! &%!*&@!!!
*marian mode*
hehehe!
…tatahimik na po ako… *emo mode* rofl
emo higgs!
halika nga rito, eto ang isang batok! *toinks*
hehehe. lekat na bata ito!
Evil Genius?! Taga-SSC ka di ba?!?!?! Si kevinb to.
base muna! haha.. tingin ko akong una ngayon! haha.. sensya na alewol!! wahahah!
as usual natawa ako dito. i was expecting for a twist. kala ko biglang si Marian pala nagsasalita.. haha
dahil dun sa mga TV shows at artistang nabanggit mo parang napaghahalat ang edad natin ah! hehe..
“Ilang taon ka na?” – *Mar Roxas*
para bang si marian ang nagsasalita, mon? wehehe!
ano ang age ko? sikreto!
basta aym presh en dyusi. nyahaha!
waaw.. presh en dyusi. parang thigh part lang ng chicken joy ah. hahaha
LOL
waaah…. at gusto mo rin palang magcomment first… sorry… naunahan tayo ni higgs… hehehe…. este evilgenius15…
hahah.. indi pala ako ang una? haha.. ayos lang.. di naman ako si alewol. heheh. .peace dude!
eeeh… ba’t ba ako nasali dito? ikaw talaga mon…
eh, contented na nga ako eh… kaya okay na sa akin kahit sino ang mauna… was the first to comment nga sa “textversation” nila gerad at jake eh…
ikaw ang dapat mag eport para mauna to koment.
waah… mabigyan nga kita ng isang pagkatulitulis na “ice pick” look…
LOL at icepick look. grabe ka naman, alewol, nagiging maton ka na! nyehehe!
ang lalim ng pananagalog mo… nakaka wind.. .
oy, kbt, “pablo” na ang itatawag ko sayo mula ngayon ha! hehehe.
nakaka-”wind” ba? LOL. bago yun a!
nahilo ako sa post na ito. obyus nga na kompyus ka. mula ke rico yan sa iyong panagip, hanggang sa voltes v, hanggang sa eraserheads eh nagkalabu-labu na! pati Ang TV eh di mo pinatawad.
pero natawa ako sa romnick at sheryl. sure ka ba na di ka fans? anong araw ba sila lumabas nun sa that’s entertainment?
sabi nang hindi nila ako pans! ano pa ba ang kelangan kong gawin para patunayan sayo to, winkie, aber? hindi ko alam yang that’s that’s na yan! ang naabutan ko na e GMA supershow! hehehe. hindi joke lang. ASAP baby po ako.
huli kaw! GMA Supershow pala ah! member ka ng German Moreno Forever and Ever Fans Club noh?! hehehe!
hindi no! hindi ko alam yun! baka ikaw winkie! hehehe!
shhhh… secret to ah! sgt at arms ako ng fan’s club ni kuya germs. hehehe!
yuck! hehehe.
if i know, winkie, kasama ka rin sa “walang tulugan.” nyahaha!
ay, nagresign na ako nung “walang tulugan” era na. di kaya ng powers ko ang puyat eh. whihihihi!
ang tawag jan midlife crisis.
grabe to! salbahe ka, sassy! huhuhu! wala pa kong trenta no! i’m in the prime of my life! huhuhu! hindi pa nga ako late 20s e! huhuhu! hindi midlife crisis to! quarterlife! hmmph!
quarter life yan kung aabot ka ng 60.
sent you an email.
nakow, sassy! baka nga hindi na ko umabot ng 60. sana naman walang magpapatay sakin before then. hehehe!
ano yan, writer’s block?
di kaya may HD ka kay rico yan kaya mo siya napanaginipan? nyahahaha!
oist, magpakatino ka na. namimiss ko na yung sarcasm mo. hehehe.
babalik din yang writing mojo mo. pramis! hehehe.
yehey! alam ko na ang ibig sabihin ng HD e “hidden desire”! sino ngayong magsasabing gurangers na ko? lumabas kayo! hehehe.
oy, lio, utang na loob! tama vang pagsuspetsahan pa ko ng necrophilia! ikaw nga e, considering na type mo si madame auring, e alam naman ng lahat na amoy fatay na yun! hehehe. (mean ba?)
ako! cguro mlapit ka na sa pagging gurangers..hehe what happened to u? nway apprecite your effort in bringing us to nostalgia…still, nice one, deejay~
aw tenks, gretzching!
nostalgic mode lang naman ako talaga. huhuhu! buti ka pa me concern, samantalang yung iba dito *turo sa taas, turo sa baba* e wala man lang concern sa akin. huhuhu!
hehehe.
jaskiding!
hahaha… nakahanap ng kakampi. oo nga deejay, parang ipanagkanulo ka lahat ng readers mo (moi included) dito sa entry na to. hehehe!
world peach, este peace ah!
che!
bakit kayo ganito sa akin? huhuhu! may ginawa ba akong masama? tell me. please. huhuhu.
*tears slowly rolling down my face*
tears slowly rolling chuvaness pa! ang drama, di naman bagay! malayo pa ang FAMAS deejay. wahahaha!
sige, winkie, ganyan ka naman…
*namumugto na ang luha*
sows! alam ko namang nag-google ka pa para malamn mo ang ibig sabihin ng HD. nyahahaha! obyus namang gurang ka na deejay sa mga peyborits mo.
case in point: romnick-sheryl labtim. batibot. boltes payb.
nyahahahaha!
wag mong ipasa sakin si madame auring. ang balita ko nga may bago raw xang bff ngayon. ang pangalan deejay. nyahahaha!
oy, lio! 14-years-old pa lang ako no! hindi ka nakikinig. *toinks*
to everyone here, abangan nyo ako sa PBB Teen Edition. malapit na!
I am both touched and annoyed. LOL! Hindi naman ‘to Taglish… Makabagong-kabataanish, Class D dialect! Haha!
Deejee! Wala na akong L! Hahahaha!
PS: Alam mo bang may super crush ako sa Ang TV dati? Hulaan mo.
nyahaha. alam ko aldrin na secretly e lab na lab mo ang ganyang pananallita. hehehe!
hmmm, hula kong crush mo sa Ang TV: si paolo contis! wehehehe!
impeyrnes may pagka-emo ka ngayon.rotfel.
hindi, hindi naman, fd. don’t mind me. ganito lang talaga ako. madaling maging emosyonal. wag nyo akong pansinin. huhuhu.
*tears slowly rolling down my face*
waaw! hahah. in fairview, ayos to ah,
i was really expecting na may twist to. hahaha.
ASAP baby ka? hahaah. kaya pala alam na alam mo ang maitim na sikreto nina JLC at Jakerald!
hahaha..
waaw, tanda na. hahah.. yaan mo, di lang ikaw ang nagpapaka twenTEEN.. hahaha
sige na nga, aamin na ako, star. hindi naman talaga ako 20something…
in all honesty, i’m actually only 14 years old. so please be careful sa mga comments nyo sa akin baka ipapulis ko kayo for statutory rape. hmmph!
hehehe.
waaw!! hahaha
statutory rape pa talaga ah! hahaha
ayos ah!
oo na, 14 ka na. hehehehe
2nd year high school lang ako, star. totoo yan. ayaw ko namang itago talaga sa inyo yan… but what can i do?
sasali nga pala ako sa PBB Teen Edition. abangan nyo…
“Nababaliw na ata ako. Lols. Wateva. Ah basta! Gusto ko lang magsalita ng magsalita. Ker ko ba kung maguluhan kayo?”…
Ganun Deej?! Well, medyo naguluhan nga ako pero masaya pa rin, Lol… I appreciate the effort, thank u!
ang hindi nyo lang alam lori me secret message etong post na to… hehehe.
Hmm… now i’m curious. wat secret deej??
kaya nga secret e lori! *toinks* hehehe! gotcha!
I’m glad you find it amusing
naku deej, ur like my brothers, maloko…
ang hindi mo alam lori, naku, i’m such a quiet, unassuming and reserved guy in real life…
yung tipong hindi makabasag-pinggan? that’s me. promise. hehehe.
Yeah right! You mean very behave k pero nasa loob pla ang kulo…LOL
behave na behave, lori, pero nasa labas ang kulo… wehehe!
Ako, kahit sa tunay na buhay, naglo-LOL ako. As in ‘LOHL’. Pag sobrang korni naman, ROFLMAO, as in ‘ro-fel-maw’.
—-
Super affected ka nung namatay si Rico Yan, ano? Fans na fans ka ni Rico Yan. Wag i-deny. Don’t tell a lie.
AMINIIIIIN!!
excuse me neil, hindi nya ako pans! ilang beses ko ba kelangan ulitin yun?
e ikaw, i know for a fact na idolo mo si wowie de guzman. at ngayon e gusto mo na sana sila na lang ni juday ang nagkatuluyan.
wag mo nang ideny. nasesense ko sa mga post mo kasi me psychic powers ako. nababasa ko ang nasa utak mo. hala! ano yang iniisip mo? kadirs talaga.
Of all the stars, why Wowie de Guzman? At hindi, hinding-hindi ko hiniling na sila ni Juday dahil NEVER akong naging pans ni Juday at Wowie. Dingdong-Tanya ako. Kapuso ako! LOLOLOL
“ikaw na sana”?!?
yackerz! neil, yackerz! wehehe!
ang kulit ng post na ito! this blog is making waves! top post ang jessica soho post!
kung mamarapatin mo, tukayo, palitan naman tayo ng URL, ano sa tingin mo?
aw, thankies, deejayz! parang kausap ko lang ang sarili ko plus z. nyehehe!
sure, add kita, and daan ako later jan- bawal blogspot dito e. hehehe. welcome to GTM!
“Lagi akong nauunahan. Huhuhu! Napag-iiwanan na ata ako ng panahong ito, at habang nakikipaghabulan ako sa bawat sandali ng buhay at sa bawat patak ng buhangin sa hawrglas, e teka lang, kumakain ata ako ng alikavok.”
>>> Mukhang may pinaghuhugutan to. Hehehe. Naunahan ka sa gerl/boy na gusto mo noh?! Hehehe
ngayon na lang uli ako nagbalik pagkatapos ng mahabang panahon.
whew. ang emo.
pero naiintindihan ko.
alastor! you’re back! aymishu!
oy, bat ka naman dito sa post na to nag-materialize? naconscious tuloy ako. *blushes* nyehehe!
missed you too, deej.
nangapitbahay ako dun sa isa pang humor blog na kumerflung sayo papunta sa #2.
kasi naman well-trodden na yung threads nung news posts, wala na kong maidaragdag pa. so dito na lang ako sa emo post. hehe.
may pagba-blush talaga?! hindi ako naniniwala.
kidding.
nice to be back. at, talagang wala kang kupas. ang kupal mo pa din. bwahaha. :p
nyahaha! onga, alastor, nakerfaflung ako!
pero pans din ako nung TNL! wehehe! galeng galeng nila! *thumbs up*
at oo naman nag-bablush ako kasi alam nyo namang lahat na virgin pa ako… hehehe!
well, hindi ka nag-iisa. virgin din ako. at am sure, marame pa jan na virgin din. *grins*
well, aaminin ko sa yo alastor. virgin pa ako technically. in other words, virgin “in certain areas.”
wahaha!
hmmm… hmmm… hmmm…
hahahahha, kunwari ka pa na hindi ka nila pans!lol!